Paghahanda sa paglikas ng mga pinoy sa Taiwan ipinanawagan na ng isang Senador
Nanawagan na si Senador Christopher Bong Go sa Department of Migrant Workers para sa paghahanda sa paglilikas ng mga pinoy sa Taiwan.
Sa harap ito ng pinangangambahang girian ng Taiwan at China.
Ayon kay Go, dapat agad bigyan ng proteksyon ang mga pinoy at maglatag ng contingency plan sakaling lumala ang tensyon sa naturang bansa.
Pangamba ng Senador baka hindi lang mga pinoy sa Taiwan ang madamay kundi ang mga nasa East Asia.
Subalit umaasa ang Senador na idadaan ito sa diplomasya ng dalawang bansa para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.
Nag- ugat ang tensyon matapos ang ginawang pagbisita sa Taiwan ni US House Speaker Nancy Pelosi kamakailan.
Meanne Corvera