Paglilinis ng mga estero at kanal prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Maynila para iwas dengue
Ang paglilinis sa mga estero, kanal at drainage naman ang isa sa prayoridad na tinututukan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Maynila bilang bahagi ng kanilang inisyatiba kontra dengue.
Ayon kay Manila mayor Isko Moreno, ipinag-utos na niya ang paglilinis sa mga drainage system sa lungsod partikular sa Recto Avenue.
Maging mga creek ay ipinalilinis rin ng alkalde.
Paalala ng alkalde, kailangang alisin ang mga nakaimbak na tubig para hindi pamahayan ng lamok.
Hinikayat rin ni Moreno ang mga opisyal ng Barangay na magsagawa ng clearing operations sa kani-kanilang lugar.
Batay sa datos ng Department of Health mula Enero 1 hanggang Hunyo 29 ng taong ito ay aabot sa 856 ang mga kaso ng dengue sa Maynila kung saan apat na ang nasawi.
Ulat ni Madelyn Moratillo