Paglilinis sa hanay ng pulisya, dapat unahin ng bagong PNP Chief
Inirekomenda ni Senador Panfilo Lacson sa bagong talagang pinuno ng Pambansang Pulisya na si Police General Guillermo Eleazar na unahin ang paglilinis sa hanay ng Philippine National Police.
Sinabi ni Lacson na dating pinuno ng PNP na dapat magpatupad si Eleazar ng mas mahigpit na disiplina sa mga pulis at wala ito dapat kinikilingan o double standard.
Aminado ang Senador na hanggang ngayon, maraming pulis ang natutukso at gumagawa ng pang-aabuso na dapat aniyang i-address ni Eleazar.
Kasabay nito pinuri ng mga Senador ang pagkakatalaga kay Eleazar.
Ayon kay Lacson kilala si Eleazar bilang isang hardworking official.
Saludo rin sina Senate President Vicente Sotto III at Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kay Eleazar dahil magiging mabuting ehemplo aniya ito sa mga pulis.
Sabi pa ni Dela Rosa na nakatitiyak ngayon na tataas pa ang level ng Professionalism sa hanay ng PNP.
Senador Dela Rosa:
“Excellent choice. The PNP is in good hands. Gen Eleazar has the leadership qualities that would further elevate the level of professionalism in the PNP”.
Meanne Corvera