Paglilinis sa listahan ng mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino program malapit ng matapos – DSWD
Tatagal na lamang ng tatlong linggo ang paglilinis sa listahan ng mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na ginagawa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na aabot sa mahigit isang milyon ang aalisin sa listahan ng mga benepisaryo ng 4Ps program.
Ayon kay Tulfo, puspusan ang ginagawang beripikasyon ng DSWD sa 4.4 milyong nasa master list na benepisaryo ng 4Ps sa ilalim ng National Health Insurance.
Inihayag ni Tulfo ang paglilinis sa listahan ng mga benepisaryo ng 4Ps ay ipinag-utos mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mapunta ang pera sa karapat-dapat na mabigyan ng ayuda mula sa gobyerno.
Magugunitang matagal na umanong inaabuso ang 4Ps program dahil maraming nasa listahan ang hindi kuwalipikado na nakikinabang sa bilyong-bilyong pondo ng pamahalaan na mula mismo sa buwis ng taongbayan.
Vic Somintac