Paglilinis sa mga “Sea classified” River sa Zambales, sisimulan na
Itutuloy na ngayong taon ng Zambales Provincial Environment and Natural Resource officer (PENRO) ang paglilinis sa mga pangunahing ilog sa Zambales.
Ayon kay Provincial Environment and Natural Resource officer (PENRO) OIC Raymond Rivera, noong nakaraang taon ay sinimulan na nila ang pagtukoy sa mga “Sea Classified” river sa lalawigan.
Isa aniya ito sa mga proseso bago sila makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal ng bawat bayan bago isagawa ang paglilinis.
Kailangan aniyang makuha muna nila ang inisyal na datos ng mga ilog bago isagawa ang clean- up.
Isa lamang ang Pamatawan river sa mga classified as Sea batay sa Environmental Management Bureau (EMB).