Paglilipat ng mga attached agencies na nasa ilalim ng DOLE patungo sa DMW inumpisahan na
Sinimulan na ang paglilipat ng mga attached agencies na nasa ilalim ng Department of Labor and Employment o DOLE patungong Department of Migrant Workers o DMW.
Ito’y matapos lagdaan nina DOLE Secretary Beinvenido Laguesma at DMW Secretary Susan Ople ang Joint Circular na nagtatakda ng magiging gampanin ng dalawang departamento upang matutukan ang pangangailangan at kapakanan ng local employment at overseas employment.
Batay sa Joint Circular mula sa DOLE ay ililipat na sa ilalim ng DMW ang mga ahensiyang Philippine Overseas Employment Administration o POEA, Philippine Overseas Labor Office o POLO, International Labor Affairs Office o ILAB, National Reintegration Center for OFWS O NRCO, Overseas Workers Welfare Administration o OWWA at National Maritime Polytechnic o NMP.
Inihayag nina Secretary Laguesma at Ople na ang key implementing mechanism ng nilagdaang Joint Circular ay ang pagtatatag ng Joint Management Committee na mangangasiwa sa transition process hanggang maging fully operational ang DMW.
Vic Somintac