Paglilipat ng pondo ng DICT sa MMDA para sa NCR Fiber Optic Backbone Development Project kinukuwestiyon sa Kamara
Pinaiimbestigahan ni Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Congressman Paul Daza ang proyektong na bid out ng Metro Manila Development Authority o MMDA na nagkakahalaga ng 1.1 billion pesos.
Ang nasabing proyekto ay para sa National Capital Region o NCR Fiber-Optic Backbone Development.
Ayon kay Daza ang pondo ay orihinal na allocated para sa Department of Information and Communications Technology o DICT na magbibigay ng 105,000 free public Wi-Fi hotspots.
Inihayag ni Daza bahagi din ng alokasyon ang nasa 3 billion pesos hanggang 4 billion pesos na ibibigay sa MMDA at iba pang local government units o LGUs sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement MOA.
Binigyang diin ni Daza tanging ang Congress ang maaaring magbigay ng go signal na naaayon sa batas kung dapat magkaroon ng fund transfer sa mga ahensiya ng gobyerno.
Idinagdag ni Daza na iisa lamang ang bidder sa naturang proyekto ang joint venture na A-Win and Net Pacific, Inc.
Ibinunyag ni Daza na walang postings sa website ng MMDA hinggil sa umanoy awarding ng bidding.
Kinuwestiyon din ni Daza ang paraan ng paggastos ng MMDA sa naturang pondo.
Vic Somintac