Paglilipat sa Taguig City Courts ng mga kaso sa mga lugar na dating sakop ng Makati City, itinakda ng SC sa Jan.1, 2024
Sa Enero 2024 ng susunod na taon epektibo ang paglipat ng mga kaso sa hurisdiksyon ng mga hukuman sa Taguig City mula sa mga lugar na dating bahagi ng Lungsod ng Makati.
Ito ay batay sa itinakdang guidelines ng Supreme Court kasunod ng kahilingan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na ma-transfer na sa Taguig Courts ang mga kaso at mga krimen na nangyari sa Fort Bonifacio Military Reservation.
Una nang idineklara ng Korte Suprema na parte ng teritoryo ng Taguig ang Fort Bonifacio kabilang na ang Embo barangays na kinabibilangan ng Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo at Pitogo.
Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, itinakda sa Enero 1, 2024 ang petsa ng paglilipat sa mga korte sa Taguig.
Supreme Court : However, to enable the courts, the prosecution, the Public Attorneys Office, and other court users to prepare, the Supreme Court set the effectivity date for the transfer to January 1, 2024. Hence, beginning January 1, 2024, all civil and criminal cases arising from the affected areas shall be filed in the courts of Taguig City. “
Ito ay para mabigyan na rin ng panahon para makapaghanda ang mga korte, prosekusyon, Public Attorneys Office, at iba pang court users.
Ibig sabihin ang lahat ng mga sibil at kriminal na kaso na magmumula sa mga apektadong lugar mula Enero 1 ay sa mga korte sa Taguig na isasampa.
Pero sinabi ng SC na ang mga kriminal na reklamo sa mga krimen at paglabag na naganap sa mga nasabing lugar bago ang January 1, 2024 ay sa piskalya sa Makati City ihahain.
Paliwanag pa ng SC na ang lahat ng civil at criminal case na naisampa at pending sa mga korte sa Makati bago ang Enero ay patuloy na lilitisin sa Makati Courts kung saan ito nakabinbin.
Supreme Court: “ All parties, including judges, court personnel, prosecutors, public attorneys, legal practitioners, and the general public, are enjoined to review and adhere to the guidelines to facilitate a smooth and orderly transition.”
Moira Encina