Paglilitis sa isang Cardinal kaugnay ng umano’y financial fraud, itinuloy ngayong Martes
Ipinagpatuloy ngayong Martes sa Vatican, ang paglilitis sa isang dating makapangyarihang catholic cardinal at 9 na iba pa kaugnay ng umano’y financial fraud at London property deal na ang ipinambayad ay charity funds.
Ang cardinal na si Angelo Becciu, na nagsilbi bilang katumbas ng chief of staff para sa Papa ng Roma na si Francis noong panahon na naganap ang “deal” at kalaunan ay pinatalsik mula sa isa pa niyang puwesto, ay nililitis kasama ng matataas na London-based financiers at iba pang empleyado ng simbahan.
Ang mga ito ay inaakusahan ng embezzlement, fraud at corruption kaugnay ng “loss-making purchase” ng isang luxury property sa upscale Chelsea district ng London.
Si Becciu nang mga panahong iyon ang number two sa Secretariat of State, ang pinaka makapangyarihang departamento sa central administration ng Vatican.
Ang kaso laban sa 73-anyos, bukod sa embezzlement, abuse of office at witness tampering, ay kinabibilangan din ng magkakahiwalay na alegasyon tungkol sa daan-daan libong euros na pondo ng simbahan na ibinayad sa charity ng kaniyang kapatid.
Iginiit ni Becciu na isa lamang sa dalawang defendants na dumalo sa isang preliminary hearing noong July sa temporary courtroom sa Vatican Musuems, na patutunayan niya na siya ay inosente nang may paggalang sa bawat akusasyon.
Ang paglilitis na inaasahang tatagal ng ilang buwan, ay kasunod ng dalawang taong imbestigasyon kung paano pinatatakbo ng Secretariat of State ang napakalawak nilang asset portfolio, at partikular na ang nalalaman nito tungkol sa “disastrous 350-million euro London investment.”
Ang naturang eskandalo ay nakahihiya, dahil ang pondong ginamit para sa “risky ventures” gaya ng sa London ay galing sa Peter’s Pence, salaping donasyon ng churchgoers para sa charities ng Papa sa Roma.