Paglimita sa pagbebenta at paggamit ng mga e-cigarette inendorso na sa plenaryo ng Senado
Inendorso na sa plenaryo ng Senado ang Panukalang Batas na maglilimita sa pagbebenta at paggamit ng mga electronic cigarettes.
Sa Senate Bill 2239 ni Senador Ralph Recto, nais nitong limitahan ang paggamit, pagmanufacture, pagbebenta at distribusyon ng mga vaporized nicotine products at mga heated tobacco products tulad ng vape.
Partikular na nais palimitahan sa paggamit nito sa mga menor de edad.
Bawal rin itong ibenta sa mga lugar na malapit sa mga eskwelahan.
Sa panukala inoobliga ang mga bibili ng gamitong produkto na magpakita muna ng kanilang ID katunayang sila ay nasa tamang edad na.
Obligado naman ang mga retailers at distributors na magparehistro sa Department of Trade and Industry (DTI) at Securities and Exchange Commission.
Ipapaubaya naman sa DTI ang pagpapataw ng multa at parusa laban sa mga lalabag.
Meanne Corvera