Paglipat ng pondo ng DOH sa DBM procurement service, planado – Sen. Drilon
Planado umano ang pandarambong sa ginagawang paglilipat ng 42 Bilion pesos na pondo ng DOH sa DBM procurement service pambili ng facemasks at faceshields.
Ayon kay Senate Minority leader Franklin Drilon , panloloko sa kaban ng bayan ang ginawa ng DOH at ng nagbitiw si USEC Loyd Christopher Lao.
Kung masusing titingnan ang mga detalye kwestyonable aniya na biglang naitalaga si Lao sa DBMPS bilang undersecretary may kaso na kasi aniya ito sa PACC noong August 2019.
Nakapagtatakang naipwesto agad ito kung walang backer sa gobyerno.
Nauna nang sinabi ni Lao sa pagdinig ng Senado na nag-aplay siya sa DBM kaya siya naitalagang USEC.
Pero sinabi ni Drilon sa kalakaran sa gobyerno, hindi maaaring maitalagang USEC kung hindi inappoint ng Secretary ng departamento.
Ipinapatigil naman ng Senador ang malalaking kontrata ng DBM-PS sa iba pang tanggapan ng gobyerno hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyon.
Meanne Corvera