Paglipat ni Harden sa kanilang koponan, kinumpirma ng Nets
NEW YORK, United Staters (AFP) – Kinumpirma ng Brooklyn Nets ang paglipat sa kanila ni James Harden, sa pagsasabing ang paglagda sa deal ng dating Houston Rockets star ay makatutulong sa koponan sa kanilang mga laro sa NBA.
Ang paglipat ni Harden sa Brooklyn Nets ay malawakang napaulat sa US media.
Samantala, ang offload center ng Nets na si Jarrett Allen at Taurean Prince ay lilipat naman sa Cleveland, habang ang guard na si Caris LeVert at Rodions Kurucs ay lilipat sa Houston Rockets.
Tatanggapin din ng Rockets ang tatlong first round draft picks sa 2022, 2024 at 2026, maging ang apat na first round pick swaps.
Ang desisyon ni Harden na lumipat sa Nets ay nabunyag nitong Miyerkoles, wala pang 24-oras matapos mabulgar sa publiko na hindi na siya masaya sa Rockets.
Ayon sa first-year coach ng Rockets na si Stephen Silas, nakabibigla ang lahat ng nangyari at nakadepende ngayon sa kaniya ang pagre-regroup, pagre-reset at pagmove forward, subalit malalampasan aniya nila ito.
Dahil sa paglipat ni Harden sa Brooklyn, na kinaroroonan din ni Kevin Durant at Kyrie Irving, tila magkakaroon na ng isang potensyal na superteam ang Eastern Conference, na hahamon sa dominanteng Milwaukee Bucks.
Sinabi ni Brooklyn general manager Sean Marks, na ang pagkakaragdag ng isang All-NBA player gaya ni James sa kanilang koponan, ay maglalagay sa kanila sa mas magadang posisyon para labanan ang pinakamahusay na koponan ng NBA.
Pahayag pa ni Marks, “James is one of the most prolific scorers and playmakers in our game, and we are thrilled to bring his special talents to Brooklyn.”
Si Harden ay itinanghal na NBA Most Valuable Player noong 2018, at naging All-Star sa loob ng walong sunod-sunod na season mula 2013.
Siya ang top-scorer ng liga sa loob ng tatlong taon sa pagitan ng 2018-200, at nakapagrehistro ng 25.2 points mula sa 841 regular season games sa 12 seasons.
Ang Brooklyn Nets ay hindi pa nakakakuha ng NBA Championship mula nang sila ay i-absorb sa liga bilang bahagi ng merger ng NBA at ng binuwag nang American Basketball Association noong 1976.
Nakaranas din ang koponan ng back-to-back losses sa NBA Finals noong 2002 at 2003 bilang bagong New Jersey Nets, at hindi pa nakaabot sa championship mula noon.
© Agence France-Presse