Paglobo ng inflation rate ng bansa walang kinalaman sa TRAIN law ayon sa Malakanyang

Itinanggi ng Malakanyang na may kinalaman ang Tax Reform and Inclusion o TRAIN law sa pagtaas ng inflation rate sa bansa.

Sa briefing sa Department of Budget and Management sinabi ni National Economic Development Authority o NEDA Undersecretary Rosiemarie Edillon na walang kinalaman ang TRAIN law sa pagtaas ng inflation rate noong mayo.

Ayon kay Edillon ang pagtaas ng inflation rate noong mayo na 4.6 percent mula sa 4.5 percent noong abril ay dulot ng pagtaas ng presyo ng isda at iba pang seafoods commodity.

Inihayag ni Edillon na ang mga mahihirap na pamilya ay ginugugol ang 60 percent ng kanilang kita sa pagkain at 20 percent sa bigas.

Kaugnay nito sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na gumagawa na ng paraan ang gobyerno para ayudahan ang mga nasa transport sektor sa pamamagitan ng pagbibigay ng diskuwento sa mga public utility vehicle sa krudo na kanilang ginagamit.

Idinagdag pa ni Diokno na isusulong din ng malakanyang ang pagpapatibay ng rice tarrification act sa kongreso upang mabawasan ng 7 pesos ang bawat kilo ng bigas.

Binigyan diin ni diokno na hindi dapat na suspendehin ang train law dahil sa excise tax sapagkat mababalam ang build build build program ng pamahalaan na magbibgay daan sa paglago ng ekonomiya sa hinaharap

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *