Paglobo ng kaso ng COVID_19 sa Metro Manila manageable parin – Malacañang
Bagamat kinikilala ng Malakanyang na malaking problema ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19 sa Metro Manila kaya parin umano itong tugunan ng pamahalaan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque,nananatiling mababa ang health care utilization kung saan nasa 60 percent ang utililization ng isolation bed at ICU bed sa mga COVID 19 referral hospital sa Metro Manila.
Ayon kay Roque,totoong nakakatawag ng pansin ang pagtaas ng kaso ng COVID 19 sa Metro Manila dahil umaabot sa mahigit tatlong libong kaso ang naitatala sa bawat araw sa nakalipas na apat na araw.
Inihayag ni Roque, pangunahing dahilan ng paglaki ng kaso ng COVID 19 sa Metro Manila ay naging relaxed at hindi sinusunod ng maraming residente ang ipinatutupad na minimum health standard na mask, hugas, iwas.
Niliwanag ni Roque, wala pang konklusyon ang mga health expert ng gobyerno kung ang pagkakaroon ng United Kingdom at South African variant sa bansa ang dahilan din ng pagsipa pataas ng kaso ng COVID 19 sa National Capital Region o NCR.
Iginiit ni Roque kung sakaling lumala ang kaso ng COVID 19 sa Metro Manila magiging localized lamang ang pagpapatupad ng lockdown sa pangunguna ng mga Local Governtment Units o LGU’S para hindi na maparalisa ang galaw ng ekonomiya.
Vic Somintac