Pagluluwag ng quarantine protocol sa NCR plus bubble nakasalalay sa pagbaba ng kaso ng Covid 19 ayon sa Malakanyang
Nakadepende sa pagbaba ng kaso ng COVID 19 kung luluwagan ang quarantine protocol sa National Capital Region o NCR kasama ang mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na mahigpit na minomonitor ng Department of Health o DOH at Inter Agency Task Force o IATF ang daily reproduction rate ng kaso ng COVID 19 sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na nasa ilalim ng extended Enhanced Community Quarantine o ECQ hanggang April 11.
Ayon kay Roque tinitignan ng DOH at IATF kung epektibo ang ipinatutupapd na Prevention, Detection, Isolation, Tracing at Reintegration o PDITR ganun din ang pagbaba ng Hospital Bed Utilization na umabot na sa critical level dahil sa mabilis na pagdami ng kaso ng COVID 19 na nagsimula sa kalagitnaan ng buwan ng Marso kaya inilagay sa ECQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Inihayag ni Roque kung sa loob ng dalawang linggo na pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila plus 4 bubble ay bababa ang kaso ng COVID 19 posibleng ibaba sa Modefied Enhanced Community Quarantine o MECQ ang quarantine protocol.
Niliwanag ni Roque na unti-unti ang gagawing pagluluwag sa quarantine protocol sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, laguna at Rizal. Aminado si Roque sa bawat araw na pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay bilyong bilyong halaga ang nawawala sa ekonomiya ng bansa.