Pagluluwag pa ng COVID-19 protocol sa bansa suportado ng Kamara
Pabor sina Congressman Reynan Arrogancia., House Committee on Appropriations Chairman , Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co at House Deputy Majority Leader Ang Probinsiyano Partylist Representative Alfred delos Santos sa pagluluwag pa ng health protocols sa bansa kaugnay sa COVID 19.
Kumbinsido sina Arrogancia, Co at delos Santos na makatutulong sa lalong pagsigla ng turismo at iba pang negosyo ang pagluluwag sa protocol sa pagsusuot ng facemask sa indoor.
Ayon sa mga mambabatas kung tutuusin atrasado na ang pagrelax ng safety protocols sa bansa dahil batay sa COVID -19 bulletin ay limitado na ang pagkalat ng virus sa kabila ng paglitaw ng bagong variants nito.
Inihayag ng mga kongresista ang kailangan ngayon ay paigtingin ang pagbabakuna laban sa COVID -19 lalo na ang pagbibigay ng booster shot.
Iminungkahi ng tatlong mambabatas para mapadali ang proseso ng pagbabakuna ay maglalagay ng vaccination area sa mga barangay health centers, transport hubs, at malls at papayagan ang mga walk-in at maglabas ng pormal na Executive Order para ibligahin parin ang mga unvaccinated na senior citizens at mga may comorbidity na magsuot parin ng facemask dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID 19 sa kanilang hanay.
Vic Somintac