Pagmamaltrato ng isang opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Brazil, Pinaiimbestigahan sa Senado
Pinaiimbestigahan na ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa senado ang kaso ng pagmamaltrato ni Marichu Mauro, embahador ng pilipinas sa brazil sa kaniyang staff doon.
Nakuha sa CCTV footage ang ilang beses ng pananakit ni Mauro sa kaniyang filipina staff na inilabas sa isang brazilian news channel.
Ayon kay Zubiri, nakakapanlumo na mismong mga opisyal pa ng gobyerno ang nananakit sa kanilang kapwa Filipino, gayung sumumpa ang mga itong poprotektahan ang interes at kaligtasan ng mga kababayan sa ibang bansa
Ang pag- abuso aniya ng isang opisyal sa isa nitong kababayan ay isang black eye sa imahe ng pilipinas sa abroad.
Kasabay nito umapila si Zubiri sa Department of Foreign Affairs na magsagawa ng malalimang imbestigasyon at parusahan ang opisyal kung mapapatunayang lumabag sa labor at Kasambahay Law.
Pinuri rin ng senador ang mabilis na aksyon ni Secretary Teddy Locsin na pauwiin ng bansa si Ambassador mauro para dito harapin ang imbestigasyon.
Meanne Corvera