Pagpapa-drug test ng mga Presidentiables at Vice-Presidentiables, ikinatutuwa ng Malakanyang
Itinuturing ng Malakanyang na welcome development ang pagpapa-drug test ng mga Presidential at Vice Presidential aspirants para sa 2022 elections.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na bagamat hindi compulsory kundi voluntary ang pagpapa-drug test ng isang kandidato magandang indikasyon ito upang masiguro ng publiko na ang kanilang ihahalal sa puwesto para mamuno ay drug-free.
Ayon kay Nograles walang pumilit sa mga Presidentiables at Vice Presidentiables na magpa-drug test.
Naniniwala si Nograles na dahil sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong isang Presidentiable ang gumagamit ng cocaine kaya sunod-sunod na nagpa-drug test ang mga Presidentialiables at Vice Presidentiables.
Vic Somintac