Pagpapa-inspeksyon sa mga private motor vehicle inspection service hindi na gagawing mandatory
Matapos ulanin ng reklamo , iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaliban ng implementasyon ng bagong car seat law.
Sa ilalim ng Republic act 11229 o Child Safety in motor vehicles Act , inaatasan ang mga motorista na maglagay ng espesyal na upuan para sa mga bata.
Ang batas ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong December 2019 at ipatutupad na sana noong February 2 pero hinarang ng mga Senador dahil sa mga reklamo.
Bukod sa Car seat law , ini-anunsyo ni Senator Bong Go na iniutos na rin ng Pangulo na huwag gawing mandatory ang motor vehicle system.
Nangangahulugan ito ng walang dapat ipataw na bagong bayarin kapag ipinarehistro ang mga sasakyan.
Sinabi ni Senator Go , pinakinggan ng Pangulo ang kaniyang mungkahi dahil hindi na kakayanin ng publiko ang dagdag na bayarin lalo ngayong marami ang nawalan ng kabuhayan at trabaho ngayong pandemya .
Sinusuportahan rin ni Senador Joel Villanueva ang hakbang ng gobyerno.
Naniniwala ang Senador na hindi dapat pang dagdagan ang matinding krisis na pinapasan ngayon ng publiko dahil sa epekto ng pandemya .
Meanne Corvera