Buong puwersa ng PNP sa Jolo, Sulu, pinasisibak
Nais ng mga Senador na sibakin at patawan ng Preventive suspension ang buong puwersa ng Philippine National Police sa Jolo, Sulu.
Ayon kay Senador Risa Hontiveros, ito’y para magkaroon ng malayang imbestigasyon sa nangyaring dalawang magkasunod na pagsabog.
Hindi aniya ito para mabigyang hustisya lang ang pagkamatay ng apat na sundalo kundi ang 14 na iba pa na namatay sa twin bombing.
Senador Risa Hontiveros:
“Also have information that the soldiers trusted the PNP. In fact gusto nga sana nila na gamitin ang “house to house tokhang” with the help of Barangay officials and PNP para mahanap ang bahay kung saan umuupa ng kuwarto ang mga bombers. Tapos ganito. tapos papatayin sila, hindi ng kalaban, kundi ng “tropa”.
Iginiit ng Senador, dapat mayroong full investigation at matiyak na walang mangyayaring cover -up.
Nais rin ni Hontiveros na alamin kung ano ang koneksyon ng mga pulis sa Jolo sa mga bandidong Abu Sayaff o mga grupong nasa likod ng pambobomba ngayong Agosto.
“Why is the PNP leadership saying that police officers cannot be suspended prior to a finding of guilt? it is patently false to suggest that suspension can only come after a guilty verdict, because preventive suspension is an explicit mechanism under Republic Act no. 8551. It is also an explicit mechanism in the Internal Affairs Service (IAS) manual”.– Sen. Hontiveros
Sinusuportahan naman ni Senador Richard Gordon ang hakbang at iginiit na dapat pairalin ang Rule of Law.
Hindi rin aniya dapat ituring ang mga pulis na sacred cow.
Senador Richard Gordon:
“It’s very disturbing Law enforcement had been killed make known our perception sadness at the failure solve case between our enforcement agencies army and the police”.
Dismayado naman si Senador Franklin Drilon bakit tila walang parusa laban sa mga pulis gayong malinaw naman ang ginawa nilang paglabag.
Senador Franklin Drilon:
“The PNP is part of civilian force in the government, ordinary civilian employees are subjected to preventive suspension. I cannot see how PNP will justify the non -imposition of preventive suspension where it is very clear that here it is justified”.
–Meanne Corvera