Pagpapa-subpoena kay dating Pangulong Duterte, parte ng proseso ayon kay Remulla
Nilinaw ni Justice Secretary Crispin Remulla na normal na proseso sa piskalya ang pagpapatawag at pagpapasagot sa mga inirereklamo.
Ito ay kasunod ng pagpapa-subpoena ng Quezon City Prosecutors’ Office kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa reklamong grave threat laban dito.
Sinabi ni Remulla na maging noong siya ay sinampahan ng reklamo sa Office of the Ombudsman ay sinagot niya ito.
Ayon pa sa kalihim, wala siyang kinalaman sa subpoena dahil ito ay bahagi ng independence ng piskalya.
Mapupunta lang aniya ang reklamo sa tanggapan ng Justice Secretary kapag maghain ng petition for review ang dating pangulo.
“Pero normal na proseso naman yan. kahit anong reklamo pasasagutin ka. Nung ako na demanda… sumagot kao. na dismiss lang yung kaso kahit wala kang kasalanan de-demanda ka. Kasama sa teritoryo” paliwanag ni Justice Secretary Crispin Remulla
Moira Encina