Pagpapababa sa edad ng Criminal liabilities ng mga menor de edad mula 15 year old sa 9 yrs. old, suportado ng Malakanyang

Walang nakikitang problema ang Malakanyang sa panukalang batas na ibaba sa siyam na taong gulang mula sa dating labing limang taong gulang ang criminal liabilities ng mga menor de edad.

Ito ang reaksyon ng Malakanyang sa pagpapatibay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa panukalang batas na ibaba sa siyam na taong gulang ang criminal liabilities ng mga menor de edad sa ilalim Juvinile Justice Act.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na isang abogado na ang layunin ng panukalang batas na ibaba sa siyam na taong gulang ang criminal liabilities ng mga menor de edad ay naglalayong protektahan ang mga minors na malimit gamitin ng mga sindikato at elementong kriminal.

Inihayag ni Panelo na naniniwala ang mga mambabatas na ang siyam na taong gulang ay mayroon ng isip kung ano ang mabuti at masama.

Ayon kay Panelo maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nais na ibaba edad ng mga menor de edad na maaaring masampahan ng kaso para narin sa proteksyon ng mga kabataan.

Pabor naman si Panelo na dapat papanagutin din ang mga magulang ng mga menor de edad na masasangkot sa krimen.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *