Pagpapadala ng OFW’s sa Middle East nais limitahan ng DOLE

Seryosong ikinukonsidera ni Labor Secretary Silvestre Bello III na limitahan ang deployment ng OFW’s sa Middle East.

Ayon kay Bello, marami siyang natanggap na reklamo mula sa mga Pinoy household worker sa mga bansa sa gitnang silangan.

Nakakaranas aniya ng pag-abuso ang mga naturang OFW’s lalo na ang mga nagtatrabaho sa Arab countries.

Dahil dito, kung hindi isususpinde ay plano niyang pababain ang bilang ng OFW, domestic helpers at mga skilled worker na idinideploy sa Middle East.

Dagdag pa ng kalihim, may kakulangan ang bansa sa mga skilled workers gaya ng karpentero, electrician, at plumber kaya dapat ding limitahan ang deployment ng mga ito sa ibang bansa.

Kaugnay nito, pinamamadali ni Bello ang training ng mga skilled workers para matugunan ang shortage ng mga ito sa Pilipinas.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *