Pagpapadala ng OFW’s sa Qatar, pinahinto na ng DOLE
Sinuspinde na ngayong araw ng Department of Labor and Employment ang pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers sa Qatar.
Kasunod ito ng pagkalas ng pakikipag-ugnayan ng ibang mga bansa dahil sa hinalang sinusuportahan ng Qatar ang mga teroristang grupo.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, hindi muna sila magpapadala ng mga manggagawa habang pinag-aaralan ang sitwasyon doon.
Nangangamba ang ilang opisyal ng pamahalaan na maapektuhan ang kalagayan ng mga kababayan dahil sa pag-atras ng alyansa ng malalaking bansa.
Sa kasalukuyan, may 141,000 documented Filipino Workers sa Qatar, habang hindi pa matiyak kung ilan ang mga pinoy na walang sapat na dokumento doon.
Hindi naman nagbigay ng time frame ang DOLE kung hanggang kailan iiral ang nasabing deployment ban.