Pagpapadeport sa Australyanang Madre na si Patricia Fox, suportado ng Malakanyang
Iginagalang ng Malakanyang ang desisyon ng Bureau of Immigration o BI na tuluyan nang ipa-deport o palayasin ng bansa ang Australian missionary na si Patricia Fox.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque pinaiiral lamang ng BI ang batas na bawal makilahok sa anumang political rally ang mga dayuhan.
Sinabi ni Roque maaring malupit ang batas pero iyon ay batas na kailangan sundin.
Matatandaang forfeited na ang visa ni Fox with finality dahil sa pagdalo sa mga rally laban sa Duterte administration.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: