Pagpapaigting ng kalakalan at pamumuhunan sa bansa, palalakasin sa isinasagawang one week Asean Economic ministers meeting
Upang lalu pang mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas sa Asean economic community, isusulong ng bansa ang Asean Strategic measures na may kaugnayan sa thematic priority.
Ito ang isa sa mga naging layunin ng isinasagawang one-week 49th Asean ministerial meeting sa Pasay City.
Sa pamamagitan ng integration o pagsasama-sama ng mga Micro Small at Mediaum Enterprises sa Global value chain, matulungan ang mga maliliit na namumuhunan sa bansa at mapaigting rin ang trade and investment ng Pilipinas.
Kabilang din sa isusulong ng Pilipinas ay ang tinatawag na Asean wide self certification na tututok sa monitoring at Asean seamless trade facilitation ganundin ang transparency sa pakikipagkalakalan ng mga bansa sa Asean at pagtatatag ng asean roll-on roll-off shipping network sa Asean community.
Matatandaan rin na nitong Abril 30 ay unang inilunsad ang kanuna-unahang Roro shipment network sa bansa na pinasinayaan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo.
Ulat ni Jet Hilario