Pagpapaiksi ng isolation, pinag-aaralan na rin ng DOH
Sa gitna ng mainit na isyu sa pinaiksing isolation at quarantine sa mga health worker sa bansa, pinag-aaralan na rin ngayon ng Department of Health ang pagpapaiksi ng isolation para sa general population.
Giit ni Health Usec Ma Rosario Vergeire, ginagawa narin ito maging sa ibang bansa.
Lahat ng ito ay nakabatay aniya sa science at may mga ebidensya.
Paliwanag naman ng Infectious Disease expert na si Dr. Edsel Salvana, ang omicron na pinaniniwalaang dahil ng surge ng mga kaso ngayon ay mas mabilis magdischarge.
Nasa dulo before ending message ng mga resource person.
Noong December 27, una naring naglabas ng rekumendasyon ang US Centers for Disease Control and Prevention hinggil sa pinaiksing isolation ng publiko.
Batay sa rekumendasyon ng CDC, maaaring gawin nalang 5 araw ang isolation ng publiko na magpositibo sa COVID-19 kung sila ay asymptomatic o agad nawala ang kanilang sintomas sa loob ng 24 oras.
Basta matiyak na susunod na 5 araw ay magsuot ng face mask para makasiguro na hindi makakahawa ng iba.
Ang rekumendasyon ng CDC ay kasunod ng mga ebidensya na ang mayorya ng transmission ay nangyayari sa 1 hanggang dalawang araw bago ang onset ng symptoms at sa 2 o 3 araw pagkatapos nito.
Nitong nakaraang linggo, una naring naglabas ng guidelines ang DOH hinggil sa pinaiksing isolation at quarantine para sa mga fully vaccinated na health worker na magpositibo o malalantad sa Covid-19.
Nakasaad rito na ang mga magpopositibo sa virus pero asymptomatic, mild o moderate ay 5 araw nalang kailangan mag isolate mula sa dating 10 araw.
Habang ang close contact naman ng positive case, mula sa dating 7 araw ay hindi na kailangan pang mag quarantine.
Para naman sa general public na magpopositibo sa virus, 10 araw na isolation o higit pa depende sa payo ng doktor para sa asymptomatic, mild o moderate.
Habang 21 araw naman o higit pa sa severe o critical.
Para naman close contacts, 7 araw na quarantine para sa fully vaccinated at 14 days naman sa partially vaccinated o hindi pa bakunado.
Pinapalawagan naman ito ng grupo ng mga medical frontliner dahil mas lalo lang daw itong magpapalala sa problema sa virus infection.
Sagot naman dito ng DOH sa pamamagitan ni Vergeire, hindi magpapatupad ng polisiya ang gobyerno na maglalagay sa panganib sa publiko at mga health worker.
Paliwanag naman ni Salvana, nakadepende sa pamunuan ng mga ospital ang pagpapatupad ng bagong polisiya na ito kung kinakailangan dahil kinakapos na sila ng health workers.
Madz Moratillo