Pagpapakalat ng fake news , pasok na sa mga itinuturing na krimen

Pirmado  na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 10951 o ang batas na nag-aamyenda sa Revised Penal Code.

Nakasaad sa article 154 ng bagong batas ang mas pinalawig na parusa sa mga nagkakalat ng fake news.

Sa ilalim nito, maaari nang makulong nang hindi bababa sa anim na buwan ang sinumang magkakalat ng pekeng balita.

Ayon sa probisyon ng bagong batas, sinumang magkalat ng pekeng balita sa kahit anong paraan ng paglalathala na makakaapekto sa kaayusan ng publiko at sa sitwasyon ng bansa ay maparurusahan.

Maaari ring pagmultahin ng aabot sa ₱40,000  hanggang ₱200,000 pesos ang sinumang maglalathala ng fake news.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *