Pagpapakawala ng ballistic missile ng North Korea, kinondena ng Japan at SoKor

Inalmahan ng Japan at South Korea ang muling pagpapakawala ng ballistic missile ng North Korea na tumama sa Sea of Japan.

Kapwa kinondena ng dalawang bansa ang paglulunsad ng ballistic misled ng Pyongyang.

Tinawag ng Japan na probokasyon ang ginawa ng Hilagang Korea habang naniniwala naman ang South Korea na hinahamon ng komunistang bansa ang United Nations laban sa mga ipinataw na parusa ng international body.

Ayon sa South Korean foreign ministry  banta ito sa kaligtasan at kapayapaan ng international community maging mismo sa Korean peninsula.

Noong nakaraang buwan lamang ng Marso ng maglunsad ng apat na ballistic missiles ang North Korea na tumama rin sa Sea of Japan malapit sa boarder ng China.

Sinabi ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na panibaong stage na naman daw ng threat ang ginawa ng Hilagang Korea.

Batay sa US military ay isang KN-15 medium-range ballistic missile ang pinakawalan ng Pyongyang na wala naman daw banta laban sa Estados Unidos.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *