Pagpapakawala ng North Korea ng ‘unidentified projectile’ bigo
Naglunsad ang North Korea ng isang “unidentified projectile” nitong Miyerkoles ngunit ang paglulunsad ay tila nabigo kaagad, ayon sa Seoul, matapos sabihin ng US na pinaiigting nito ang kanilang missile defences bilang tugon sa sunod-sunod na missile tests ng NoKor.
Ang nabigong paglulunsad ang magiging ika-sampu na sanang weapons test ng Pyongyang ngayong taon, kasunod ng pitong missile tests at dalawang sinasabi ng North Korea na “reconnaissance satellite”.
Nitong nakalipas na linggo ay sinabi kapwa ng South Korea at US, na ang nabanggit na mga test ay para sa isang bagong intercontinental ballistic missile (ICBM) system na hindi pa nailunsad noon, na tinatawag na “monster missile” ng mga analyst.
Ayon sa pahayag ng Joint Chiefs of Staff ng Seoul . . . “North Korea fired an unknown projectile from the Sunan area, but it is presumed that it failed immediately after launch.”
Ang paglulunsad noong February 27 at March 5 ay kapwa mula rin sa Sunan area sa Pyongyang, ayon sa militar ng South Korea.
Iniulat ng Japanese media nitong Miyerkules, na ang North Korea ay naglunsad ng isang posibleng ballistic missile, banggit ang isang hindi pinangalanang opisyal ng ministry of defence.
Tumanggi naman ang defence ministry na kumpirmahin ang mga ulat at walang babala mula sa Coast Guard sa mga lokal na sasakyang pandagat, na karaniwang ginagawa kapag naglulunsad ng missile ang North Korea.
Sinabi ng US nitong linggong ito na “dinagdagan nila ang lakas” ng kanilang missile defense systems sa South Korea, at nagsagawa rin ng carrier-based air demonstration sa Yellow Sea kasunod ng kamakailan ay paglulunsad ng North Korea.
Matagal nang ninanasa ng NoKor ang isang ICBM na kayang magdala ng maraming warheads — ang Hwasong-17 na unang ipinakilala sa isang parada noong Oktubre 2020.
Ayon kay Cheong Seong-chang, isang senior researcher sa pribadong Sejong institute . . . “Signs indicate the North test-fired Hwasong-17 today.”
Hindi pa iyon nasusubukang ilunsad, nguni’t sinabi ng Washington noong isang linggo na kamakailan ay sinubok ng Pyongyang ang mga bahagi nito na nakabalatkayo bilang isang satellite.
Ang North Korea ay nasa ilalim na ng mahihigpit na sanctions dahil sa kanilang missile at nuclear weapons, subali’t sinabi ng US na ang nasabing test ay isang “serious escalation” na kailangang patawan ng parusa.
Ang North Korea ay sumusunod sa isang self-imposed moratorium sa testing ng long range at nuclear weapons, pero dahil sa ang mga pag-uusap ay natigil at umiiral pa rin ang mga sanction, tila malapit na itong magpumiglas.
Ani Cheong . . . “With Russia now highly unlikely to agree to additional sanctions on the North in case of such a test-launch amidst its invasion of Ukraine, Pyongyang appears to have judged it was the optimal time to proceed.”
Dagdag pa ni Cheong, ang kabiguan sa paglulunsad noong Miyerkoles ay mahigpit na pinag-aaralan ng Pyongyang, at maaaring magkaroon pa ng nasa tatlong tests para matiyak na ang missile ay gumagana.
Aniya . . . “I expect the North to conduct one or two more test-launches before April 15.”
Nakatakdang gunitain ng North Korea ang ika-110 anibersaryo ng pagsilang ng founding leader at lolo ni Kim na si Kim Il Sung sa Abril, at gusto nitong gunitain ang mga pangunahing domestic anniversary sa pamamagitan ng military parades o launches.
May indikasyon sa satellite images na ang North Korea ay naghahanda para sa isang military parade.
Ang bagong paglulunsad ng ICBM ay isang maagang hamon para sa bagong South Korean na si Yoon Suk-yeol, na nangakong mas magiging mahigpit laban sa mga probakasyon ng North Korea..