Pagpapakawala ng tubig ng Magat dam, ipinagpaliban
Ipinagpaliban ang pagbubukas ng spillway o pagpapakawala ng tubig ng Magat dam.
Batay sa advisory na ipinalabas ng National Irrigation Administration (NIA), sinuspinde ang spilling operation dahil tinatayang mahina na ang ulan na dala ng bagyong Maring sa mga susunod na araw.
Ang pagpapagamit umano ng inflow sa power generating company ay nakatulong upang maibaba hanggang sa ligtas na lebel ng tubig sa Magat reservoir.
Nakatakda sana ang spilling operation kaninang alas-3:00 ng hapon.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng Cagayan Provincial office na nananatili silang nakamonitor para sa mga susunod na abiso na ipalalabas ng mga kinauukulan kaugnay sa bagyong Maring.