Pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay Congresswoman Imelada Marcos bahagi lang ng due process ayon sa ilang senador
Dismayado si Senador Ping Lacson sa hindi pagpapalabas ng warrant of arrest ng sandiganbayan laban kay Ilocos Norte Congresswoman Imelda Marcos.
Ayon kay Lacson, isa itong halimbawa ng pangit na bahagi ng umiiral na due process ng bansa.
Nalulungkot ang senador dahil kapag mahirap at walang pambayad sa mga de kalidad na abugado, tiyak na pasok na sa kulungan habang ini-aapela ang kaso.
Pero depensa ni Senador Koko Pimentel, normal na proseso ito sa korte at may pagkakataon pa rin ang isang inaakusahan na idepensa ang kaniyang sarili.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: