Pagpapalakas sa Blue Economy isinusulong sa Kamara
Itinutulak sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pagpapalakas sa Blue Economy na makakatulong sa mga mangingisda sa buong bansa.
Dahil dito pinagtibay na sa House Committee on Economic Affairs ang House Bill 8893 o Blue Economy Act of 2023 na iniakda ni Agri Partylist representative Wilbert Lee.
Ang Blue Economy ay tumutukoy sa practical ocean based economic model na gumagamit ng Green Infrastructure and Technologies na nakakabawas sa pagkasira ng kapaligiran at magbibigay proteksiyon sa marine resources ng bansa.
Binigyang diin ng mambabatas na ang Pilipinas ay nasa coral triangle kung saan ang biodiversity hotspot na pinagsasantalahan dahil sa over exploration, pollution at epekto na rin ng climate change na sumira sa mga coral reefs, mangrove forest.
Vic Somintac