Pagpapalaot ng mga bangkang pangisda, mapanganib ngayon dahil sa malalaking alon
Pinapayuhan ng DOST-PAGASA ang mga may-ari ng mga maliliit na bangka na iwasan munang pumalaot ngayon dahil sa panganib ng malalaking alon.
Tinatayang aabot ng mula 2.8 meters hanggang 4.5 meters ang taas ng alon sa dagat sa Northern at Western seaboards ng Northern Luzon at Western seaboard ng Central Luzon.
Sakop nito ang mga baybaying dagat sa Batanes, Northern Coast ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, at Bataan.
Ganito rin ang sitwasyon sa Western at Southern seaboards ng Southern Luzon at Western seaboard ng Visayas.
Kinabibilangan ito ng Cavite, Western Coast ng Batangas, Southern Coast ng Quezon o sa mga bayan ng San Francisco at San Andres], maging sa Burias Island, Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island, Palawan, Romblon, Antique, at Aklan.