Pagpapalawak ng internet service sa bansa, isa sa iiwanang legacy ni Pangulong Duterte
Isa sa iiwanang legacy ni outgoing President Rodrigo Duterte ang pagpapalawak ng internet service sa bansa sa tulong ng satellite system.
Sa pamamagitan ng nilagdaang Executive Order 127 ni Duterte, pinapayagan ang internet service providers na magkaroon ng direct access sa satellite systems.
Layon nitong mapabilis ang Internet service sa bansa.
Dahil rito inaasahan ang pagpasok ng maraming satellite operators sa bansa, kasama na diyan ang Space Exploration Technologies Corp. ng bilyonaryong si Elon Musk.
Ang Stellarsat Solutions Inc katuwang ang kanilang partner na Kacific Broadband Satellites Group ay tiniyak rin ang mas magandang internet service sa bansa.
Ipinagmalaki ni Kalvin Laurence Parpan, Chairman at CEO ng Stellarsat Solutions na mula ng ilunsad nito ang kanilang internet service noong 2019 ay marami na silang naserbisyuhan lalo na sa mga malalayong lugar sa bansa.
Kahit aniya sa mga lugar na mahirap ang suplay ng kuryente, kaya nilang makapagprovide ng internet service dahil ang kanilang broadband terminal ay pwede ring gamitan ng solar panel.
Batay sa Ookla Speedtest Global Index report, umakyat na ang fixed broadband speed ng Pilipinas sa ika-63 sa ranking mula sa 178 bansa.
Madelyn Villar – Moratillo