Pagpapalawig ng Martial law sa Mindanao, depende sa rekomendasyon ng mga local executives at militar- Pangulong Duterte
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya sariling desisyon kung palalawigin pa ang martial law sa Mindanao.
Ayon sa Pangulo hihintayin niya ang rekomendasyon ng mga local government executives at militar kung kailangang muling palawigin ang martial law sa Mindanao.
Tugon ito ng Pangulo sa panawagan ng ilang sektor sa Mindanao na palawigin pa ang pag-iral ng martial law dahil sa patuloy na banta ng mga terorista.
Batay sa kumpirmasyon ng militar mayroon ng mga pinoy na nakumbinsing maging suicide bomber at naging test mission ang terror attack sa Indanan Sulu.
Magugunitang idineklara ng Pangulo ang martial law sa Mindanao dahil sa ginawang pagkubkob ng Maute Isis terror group sa Marawi City.
Ulat ni Vic Somintac