Pagpapalawig ng paggamit ng 2018 National Budget, lusot na sa Kamara

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Joint resolution 32 o ang pagpapalawig sa paggamit ng 2018 budget.

Sa ilalim ng resolusyon ay pinapayagan na gamitin ang alokasyon sa MOOE o Maintenance and other Operating Expenses at capital outlay ng 2018 budget hanggang sa susunod na taon o hanggang December 31, 2019.

Ayon kay Appropriations Vice-chairman Maria Carmen Zamora, may pondo pa sa 2018 na hindi pa nairi-release.

Kung hindi aniya mapapalawig ang validity ng 2018 budget ay hindi magagamit ang natitirang pondo dito sa susunod na taon lalo na sa nagpapatuloy na rehabilitasyon sa Marawi.

Iginiit ni Zamora na napakahalaga na ma-extend ang paggamit sa 2018 budget dahil magagamit ang alokasyon na ito para sa rehabilitation efforts sa sunud-sunod na kalamidad na tumama sa bansa.

 

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *