Pagpapalaya kay Senadora Leila De lima nasa kamay ng hukuman – Malakanyang
Wala sa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasiya kung makakalaya si Senadora Leila De Lima.
Ito ang tugon ng Malakanyang sa panawagan ng mga human rights advocates na dapat palayain na si De Lima matapos na bawiin ang testimonya nina dating Bureau of Corrections Office in charge Rafael Ragos at Drug Lord na si Kerwin Espinosa laban sa mambabatas kaugnay ng kasong ilegal na droga.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na si De Lima ay nakulong dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga at hindi dahil sa politika.
Ayon kay Andanar tanging ang hukuman lamang ang makapagdedesisyon kung mapapawalang sala si De Lima.
Inihayag ni Andanar nasa kamay din ng Department of Justice o DOJ at National Prosecution Service ang paghaharap ng mga ebidensiya laban kay De Lima na kasalukuyang nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center sa Kampo Crame.
Vic Somintac