Pagpapaliban ng Brgy. At SK elections sa Disyembre, ihihirit ng ilang Senador
Nais ng ilang Senador na muling ipagpaliban ang Baranggay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa Disyembre.
Sa panukala ni Senador Francis Escudero, pinaamyendahan nito ang Republic Act 10632 at RA 11462.
Layon ng panukala na magkaroon umano ng continuity sa mga serbisyo ng gobyerno sa isyu ng Peace and Order, Public health at Disaster response.
Katwiran ng Senador, may malaking papel ang mga kasalukuyang Baranggay at SK officials sa ginawang paglaban sa COVID- 19 pandemic at sila ang higit na may karanasan sa pamamahagi ng ayuda, pagpapatupad ng quarantine regulations, contact tracing operations at iba pang government interventions.
Kung ipagpapaliban raw ang halalan, mas mapagtutuunan ng pansin ng mga baranggay officials ang mga kinakailangang interventions para makabangon ang bansa sa epekto ng pandemya
Nakapaloob rin sa panukala na ilipat ang bahagi ng P 8.44 billion na pondo na nakalaan para sa pagdaraos ng Baranggay at SK Elections sa ayuda naman ng pamahalaan.
Meanne Corvera