Pagpapaliban ng Brgy at SK elections sa Mayo ng susunod na taon aprubado na sa Senado

Aprubado na second reading ng Senado ang panukalang maipagpaliban ang Brgy. at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa Oktubre ngayong taon.

Sa inaprubahang bersyon ng Senado, hindi isinama ang probisyon na magpapahintulot kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag- appoint ng mga officers in charge sa mga Barangay.

Sabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon tinanggap ng Mayorya ang kanilang amiyenda na tanggalin ang section 3 o appointment ng Barangay officials dahil isa ito sa nakikitang paraan para sa posibleng deklarasyon ng Martial Law.

Sa inaprubahang panukala sa halip na sa Oktubre, isasagawa ang eleksyon sa huling lunes ng Mayo sa 2018.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *