Pagpapalit ng liderato sa Senado, iginagalang ng Malakanyang
Nirerespeto ng Malakanyang ang pagpapalit ng liderato ng mataas na kapulungan ng Kongreso o Senado.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, personal choice ng mga Senador kung sino ang magiging Senate President.
Ayon kay Roque pinasasalamatan ng Malakanyang si outgoing Senate President Aquilino Pimentel III dahil sa ilalim ng kanyang liderato ay naipasa ang ilang mahahalagang panukalang batas na isinulong ng administrasyon.
Inihayag ni Roque handa ang Malakanyang na makatrabaho ang bagong Senate President.
Batay sa report si Senate majority leader Tito Sotto ang bagong Senate President.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: