Pagpapalit ng slogan sa turismo, pinalagan ng isang Senador
Umaapila si Senador Nancy Binay sa Department of Tourism na irerekonsidera ang plano nitong palitan ang kasalikuyang tourism campaign slogan ng bansa.
Ang pagbabago sa tourism slogan ang isa sa mga proyekto ng Marcos Administration para mapaangat pa ang turismo ng bansa.
Katunayang ive-neto ng pangulo ang probisyon sa pambansang udget sa susunod na taon kung saan nakasaad na hindi gagastusan ang anumang pagpapalit sa tourism campaign slogan.
Ayon kay Binay na Chairman ng Senate Committee on Tourism, naiintindihan niya ang nais ng DOT na magsagawa ng rebranding pero hindi raw ito napapanahon.
Bukod sa maari itong lumikha ng kalituhan sa mga foreign touriss, milyong dolyar ang gagastusin para dito.
Bukod pa aniya rito ang pagpapa-imprenta ng marketing materials at pagpopromote ng tourism slogan.
Nauna nang inamin ni Tourism Secretary Cristina Frasco sa pagdinig ng Senado na isa sa pinag-aaralan nila at ang rebranding at palitan ang “ Its more fun in the Philippines” at palitan ng slogan na akma sa katangian ng mga Pilipino.
Meanne Corvera