Pagpapaliwanag ukol sa Kasaysayan at Kamalayan
Kamakailan lang maraming nag-react tungkol sa ang kasaysayan ay chismis, hindi din pinalagpas ng mga kritisismo ang isang Biofilm.
Umani ng ibat ibang opinyon patungkol sa kung ano nga ba ang tunay na pangyayari?
Kaya hindi natin pinalagpas ang pagkakataong ito na makausap si Mr. Eufemio “Eufy” Agbayani III, Historic Site Development II, ng National Historical Commission of the Philippines.
Ang ilan sa kanyang ibinahagi ay ang tema ngayong taon, Kasaysayan, Kamalayan,Kaunlaran, para sa ikakaunlad ng bayan dapat alam natin ang history dahil puno ng aral at ideya na makatutulong sa atin para mapaunlad ang bayan.
Ano ba ang kahulugan ng kasaysayan?
Ang sabi niya, ito ang pagsasalaysay ng nakaraan na may saysay sa mga taong pinagsasaysayan, ibig sabihin pinag-aaralan ang nakaraan sa isang sistematikong paraan, upang makapagsulat ng naratibo na maaring basahin ng tao, na magamit sa kanilang pang araw-araw na buhay.
Minsan sa history ginagamit ang past bilang substitute, but technicaly magkaiba sila.
Ang past ay mga pangyayari sa nakaraan habang ang history ay pag-aaral patungkol sa pangyayari sa nakaraan.
Sa pagsusulat ng kasaysayan, dapat makapili kung anong paksa, maging malinaw kung ano ang isasaliksik, kasunod ay ang masusing pagsasaliksik, dito kailangan kumalap ng ebidensiya, sa ilalim nito ay may dalawang paraan.
Una; primary sources- ito ang mga tao, nakasaksi sa isang pangyayari pangkasaysayan.
Ikalawa; ang secondary sources, mga sulatin na maaaring nakagamit ng primary sources, o kaya ay hindi direktang saksi sa pangyayari ng kasaysayan.
At ang susunod na hakbang ay analysis, pero, bago tayo pumunta diyan.
Mainam na magsagawa ng internal at external criticism para sa mga nakalap na ebidensya o impormasyon.
Sa External criticism kailangang tingnan ang authenticity ng dokumento.
Sa Internal criticism, kailangang i-check kung nagtutugma ang sinasabi sa nireresearch na topic.
Sa analysis, dito malalaman kung nagkakasundo ba ang sources. Kung nagkakasalungat, bakit? Paano sila nagkakasalungat?
Saka tayo magsusulat ng naratibo.
Binigyang-diin ni Ginoong Eufy upang maibahagi ang pagsusulat ng kasaysayan mahalaga may isip at pusong propesyonal.
Naitanong natin paano ang judgement o interpretation, paliwanag niya, sa pagsusuri pa lamang ng sources, komplikado na.
Judgement at interpretation sa lebel pa lang ng source, nakasaksi, naapektuhan ba ang paniniwala?
May pakinabang ba ang saksi ukol dito? O malapit sa katotohanan?
Pinaalala niya na ang historyador ay hindi nagsasabi na masama o mabuti ang ginawa ng isang tao, ngunit dahil may shared values para sa magbabasa, dito pumapasok ang judgement.
Pero kapag sumusulat tayo, hindi tayo mag-aalter o papalitan ang katotohanan, maging maingat din sa paggawa ng conclusion para lang mag-fit sa naratibo, isipin din ang konklusyon.
Samantala, sa pelikula na may kinalaman sa kasaysayan, hindi dapat lahat ay paniwalaan ng isang daang porsiyento dahil nangangailangan ito ng malalim na pagsasaliksik at pagbabasa.