Pagpapatalsik sa puwesto kay Ambassador Rene Villa, pagta-traydor ng Kuwait sa Pilipinas- Cong. Bertis

 

Pagta-traydor sa Pilipinas ang ginawang pagpapatalsik ng Kuwaiti government kay Ambassador Renato Villa at pagdedeklara sa kaniya bilang persona non-grata.

Sa panayam ng Radyo Agila-DZEC, ipinaliwanag ni ACTS-OFW Partylist Representative John Bertis na ginawa ang pagpapaalis sa puwesto kay Villa matapos ang maayos na pag-uusap at courtesy call ni Kuwaiti Ambassador Musaed Saleh AM Althwaikh kay Pangulong Duterte sa Davao City.

Kaya nagtataka aniya siya kung bakit pinaalis sa puwesto si Villa matapos ang diplomatic talk.

Kasabay nito, muling nanindigan si Bertis na walang nilabag na batas ang Embahada ng Pilipinas  dahil properly well-coordinated sa mga Kuwaiti authorities ang ginawa nilang rescue operation sa mga distressed OFW.

“Mga traydor kasi yang mga Kuwaiti na yan. Maayos naman ang pag-uusap then suddenly they will still declare our Ambassador persona non-grata and they have issued 5 warrants of arrest to our visiting Diplomats doon and they are threatening them. So ano ang gusto nilang palabasin?”.

 

 

Kagabi, nakabalik na ng Pilipinas si Ambassador Rene Villa.

Ayon kay Villa, masaya siya sa pagbabalik-Pinas dahil isang karangalan sa kaniya na mapaglingkuran ang ating mga kababayan sa Kuwait.

 

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *