Pagpapataw ng dagdag singil sa kuryente, ipinasususpinde
Ipinasususpinde ni Senator Risa Hontiveros ang pagpapataw ng dagdag singil sa kuryente.
Itoy hanggat hindi natatapos ng Energy Regulatory Commission ang imbestigasyon sa dahilan ng sunod sunod na pagtaas ng tranissiom charge na ipinapasa sa mga consumer at nangyaring rotational blackout.
Nauna nang ini-anunsyo ng Meralco ang ikalimang dagdag singil ngayong Agosto na aabot sa point 95 cents sa kada kilowat hour o katumbas ng 19 pesos sa mga kumukunsumo ng 200 kilowat hour kada buwan.
Ayon sa Senador, ngayong marami ang naghihirap, mahalaga ang bawat sentimo sa mga pamilya at hindi biro ang sunod sunod na dagdag singil sa mga bayarin.
Pinagpapaliwanag na ng Senador ang ERC at Department of Energy bakit pinayagan ang dagdag singil.
Meanne Corvera