Pagpapataw ng excise tax sa mga sugar sweetened beverages, itutulak ng gobyerno
Desidido ang gobyerno na maresolba ang mga non communicable diseases gaya ng obesity at diabetes.
Ito ang dahilan kaya itinutulak ng pamahalaan ang pagpapataw ng excise tax sa mga sugar sweetened beverages gaya ng softdrinks, energy at carbonated drinks.
Sa pagdinig ng Senate Ways and Means Committee na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara, sinabi ng may-akda ng panukala na si ni Nueva Ecija Congresswoman Estrelita Suansing umaabot sa pitong bilyon kada taon ang nagagastos ng gobyerno para tulungan ang mga mahihirap na pasyente sa pagpapa-dialysis na dulot ng sobrang sugar intake.
Batay rin aniya sa pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute, tatlo sa bawat sampung Pinoy ang obese at may diabetes o katumbas ng 30 percent ng kabuuang populasyon ng Pilipinas.
Kung papatawan ng dagdag na buwis ang mga sugary beverages, posibeng mabasawan ang consumption.
Ang anumang makokolektang buwis, ilalaan ng gobyerno sa mga programang pang edukasyon at pangkalusgan.
Ulat ni: Mean Corvera