Pagpapataw ng multa ng ERC sa Meralco, tama lang – ayon sa isang Senador
Makatwiran lamang ang ginawang pagpapataw ng multa ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Manila Electric Company (Meralco) dahil sa Bill shock o paglobo ng bayarin sa kuryente sa kasagsagan ng lockdown dulot ng Covid Pandemic.
Ayon kay Senador Imee Marcos, sinusuportahan niya ang hakbang ng ERC.
Sabi ni Marcos, sana ay matauhan aniya ang Meralco na may nagbabanta sa kanila at hindi maaari ang anumang tangkang pang-aabuso sa pamamagitan ng labis na paniningil sa mga customers.
Isang magandang hakbang rin aniya ang utos ng ERC na bigyan ng dagdag na diskwento ang mga lifeline users o mga kumokonsumo ng hanggang 100 kilowatt hour ng kuryente kada buwan.
Sa pamamagitan aniya nito, makakahinga ng maluwag at gagaan ang pasanin ng mga mahihirap lalu na ang mga nawalan ng trabaho ngayong panahon ng Pandemya.
Senador Imee Marcos statement:
Bow, manang chair Agnes! Sana matauhan na ang Meralco na nakabantay ang ERC at lahat ng mga konsumer sa billing nila at lalo pa silang mapa-fine kapag naulit yang electric shock na singil. Tama ang ERC, ‘chaos and confusion’ nga ang dinulot nila sa lahat,”
“Inaksyunan na rin niya sa wakas at hindi nagbibingi-bingihan ang ERC sa reklamo ng ating mga kababayan na dagdag-pahirap na bayarin sa kuryente. Natutuwa ako na kahit paano eh, gagaan ang pasanin ng ating mga kababayan dahil malinaw na may nalabag na batas ang Meralco“.
-Meanne Corvera