Pagpapataw ng parusa sa anti COVID-19 protocol violations ng mga kandidato sa panahon ng kampanya nasa kamay ng COMELEC – Malakanyang
Ipinauubaya ng Inter Agency Task Force o IATF sa Commission on Elections o COMELEC ang pagpapataw ng kaukulang parusa sa mga kandidato na lalabag sa anti COVID-19 protocol sa panahon ng kampanya kaugnay ng halalan sa Mayo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles hindi pakikialaman ng IATF ang mga violation ng mga kandidato sa anti COVID-19 protocol.
Ayon kay Nograles mayroon ng guidelines na inilalabas ang COMELEC na dapat sundin ng mga kandidato sa pangangampanya sa panahon ng pandemya ng COVID-19.
Inihayag ni Nograles kabilang sa guidelines ng COMELEC sa panahon ng kampanya ay ang mahigpit na pagsunod sa venue capacity sa mga isasagawang political activities na hinango mismo sa patakaran ng IATF.
Vic Somintac