Pagpapatibay sa 2023 proposed National budget na nagkakahalaga ng P 5.268 Trillion prioridad ng 19th Congress
Tiniyak ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na magiging prioridad ng 19th congress ang pagtalakay at pagpapatibay sa 2023 proposed national budget na tinatayang nagkakahalaga ng 5.268 trilyong piso.
Sinabi ni presumptive House Speaker Martin Romualdez na sisikapin ng Kamara na mapagtibay ang panukalang pambansang budget sa takdang panahon upang maiwasan ang pagkakaroon ng re-enacted budget.
Batay sa reglamento ng batas mayroong taning na isang buwan pagkatapos ng State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 25 upang isumite ng Malakanyang sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang pambansang pondo.
Ang malaking bahagi ng 2023 proposed national budget ay inihanda pa ng nakalipas na administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Vic Somintac