Pagpapatuloy sa paggamit ng face shield, nakasalalay sa desisyon ng WHO, ayon sa Malakanyang
Nakabatay sa desisyon ng World Health Organization o WHO kung ipagpapatuloy ang paggamit ng face shield kontra COVID 19.
Ito ang sagot ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa opinyon ng ilang eksperto na hindi umano nakatutulong ang pagsusuot ng face shield bagkus nakasasama pa ito dahil posibleng dito kumapit ang Coronavirus.
Sinabi ni Roque ang desisyon ng Inter Agency Task Force o IATF na obligahing gumamit ng face shiled ang publiko ay ibinatay din sa mga health expert opinyon.
Ayon kay Roque ang face shield ay karagdagang depensa para hindi pumasok sa mata ang COVID 19.
Niliwanag ni Roque ang pagsusuot ng face shield at face mask ay bahagi ng ipinatutupad na standard health protocol na panlaban sa COVID 19 habang isinasagawa ang mass vaccination sa publiko.
Vic Somintac